Fans umapela kay Bongbong: ‘Save Vhong Navarro’

ILANG fans ng nakakulong na si Vhong Navarro ang umapela kay Pangulong Bongbong Marcos na “tulungan” ang actor-host na sinampahan ng mga kasong acts of lasciviousness at rape ng model na si Deniece Cornejo.

Sa social media, bumuhos ang suporta ng mga netizens para kay Navarro na kasalukuyang nakadetine sa National Bureau of Investigation detention center.

Giit ng mga ito, kailangang palayain sa lalong madaling panahon si Navarro dahil inosente umano ito.

“President bongbong marcos nawa poh ay mapansin nyo poh ang kaso ne vhong navarro,” ayon sa isang fan ni Navarro.

“Maawa po kayo kay Vhong mahal na pangulo. Alam po ng maraming tao na wala syang kasalanan. May galit yang babaeng ‘yan kaya idiniin nyang ni-rape siya ni Vhong navarro,” ayon sa isa pa.

“Nakakainis na ang may mabubuting puso gaya ni Vhong ang ginagawan ng ganyan. Sana po President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. makalabas na ng kulungan si Vhong,” hirit naman ng isa pa.