Ex-glam team ni Heart may hold-departure order?

HINDI nakalipad patungong Dubai sa UAE ang glam team ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil naisyuhan sila ng hold-departure order, ayon sa talent manager na si Ogie Diaz.

Ayon umano sa make-up artist na si Justin Soriano, inabot sila ng ilang minuto sa check-in counter ng airport dahil hindi sila mabigyan-bigyan ng boarding pass.

Kinalaunan ay ipinatawag si Soriano at apat niyang kasama sa immigration upang sabihin na kabilang ang kanilang pangalan sa no-fly list.

Noong una, dagdag ni Ogie, inakala lang ni Soriano at mga kasama na na-bump off lang sila sa flight.

Nakipag-argumento rin ang grupo sa airline personnel ng dahil inakala rin nila na bawal ilipat sa kanila ang free miles ni Pia.

Inaalam pa ng Publiko kung mayroong nakasampang kaso kina Soriano at mga kasama kaya hindi sila nakalipad.

Patungo sana ang apat sa Dubai para makipagkita kina Pia at designer Mark Bumgarner.

Ang grupo ang dating glam team ng aktres at style icon na si Heart Evangelista.