Ellen Adarna, 3 years nang ‘no yosi’

TATLONG taon nang hindi nagsisigarilyo ang aktres na si Ellen Adarna.


“I’ve been cigarette-free for 3 years now,” chika niya sa isang post sa social media.


Inamin ni Ellen na parusa ang pagtanggal sa nakakaadik na habit.


“Smoking has always been something I wanted to stop and it is a very challenging habit to get rid of,” aniya.


Pero dahil naramdaman niyang nakaaapekto na ito sa kanyang kalusugan ay nagdesisyon siya na ihinto na ito at maghanap na lang ng alternatibo.


“As I aged, I noticed how it affected my health, especially when I do physical activities,” kuwento niya.
Kapalit ng yosi, pinili na lang ni Ellen ang mag-vape. Nagustuhan naman niya ito dahil sa iba’t ibang flavor ng juice.