Khalil Ramos nakaligtas sa COVID

INAMIN ni kapuso actor Khalil Ramos na nagpostibo siya sa COVID-19 at gumaling na.

Ayon sa aktor, nakaramdam siya ng mild symptoms noong Marso.

“I had very, very mild symptoms. May kaunting hingal tsaka nangati ‘yung throat ko nang kaunti, tsaka headaches.  ‘Yung headache na migraine, pero hindi ako nagkalagnat at hindi rin tumuloy sa ubo,” kwento ni Khalil.

Maswerte na hindi niya nahawaan ang kanyang pamilya, chika niya.

Dagdag pa ng aktor, kinailangan na mag-quarantine din ang girlfriend niya na si Gabbi Garcia dahil siya ay close contact.

Mabuti na lamang at hindi nagpositibo ang aktres at kanyang pamilya.

“She also had to undergo quarantine. Pero thankfully, never siyang nag-positive actually. And her whole family also is safe so buti na lang,” chika pa ni Khalil.

Nitong Abril 8, naging COVID-free na si Khalil matapos magnegatibo sa kaniyang RT-PCR test at muli na rin silang nagkita ni Gabbi.