Guia Gomez positive uli sa COVID

HUMIHINGI ng dasal si dating Senador JV Ejercito para sa kanyang ina na si dating San Juan mayor Guia Gomez matapos itong muling magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Ejercito, mas mild naman ang kaso ng ina kumpara sa naging kondisyon nito noong una siyang tamaan ng virus.

“Please pray for my mother, who again has tested positive for COVID. Hoping this time it will be milder,” sabi ni Ejercito sa kanyang tweet.

“Walang katapusan,” dagdag pa nito.

Kamakailan lang ay nagbahagi ang dating senador ng picture kasama ang ina habang sabay na kumakain.

Noong December 26, 2020 unang nagpositibo ang ex-mayor sa COVID-19 at nakaligtas ito.

Samantala, ang ama ni Ejercito na si ex-president Joseph “Erap” Estrada ay na-ospital din matapos magpositibo sa COVID-19.