Elisse Joson, McCoy de Leon susuko na ba?

USAP-usapan sa Twitter si Elisse Joson matapos ang Facebook post nito ukol sa kanila ng kanyang baby.

Chika ng netizens, tila may pinasasaringan si Elisse sa kanyang post.

“Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil yung paghihirap namin ni baby,” post ni Elisse sa kanyang Facebook page.

Kamakailan ay bininyagan si Baby Felize na mag-iisang taong gulang na ngayong Abril.

Samantala, nagpost din si McCoy sa kanyang Facebook account. “Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby,” chika ni McCoy.