Ejay Falcon tatakbo sa Oriental Mindoro

INANUNSYO ng aktor na si Ejay Falcon sa kanyang mga kababayan sa Oriental Mindoro ang plano niyang pagtakbo sa 2022 elections.


“Iyong sigaw at excitement ninyo, sana po madala natin ‘yan pagdating ng tamang panahon, ang suporta ninyo. Kayo pong lahat dito, sana po suportahan n’yo kami. Kaya po kami nandito ngayon, nagkakaisa, at nagpapakilala po sa inyo,” ani Ejay nang bumisita sa isang barangay sa Mindoro.


Dagdag niya, nais niyang maglingkod sa mga kababayan niya.


“Ako po si Ejay Falcon. Kahit po hindi n’yo ako tingnan bilang artista, tingnan n’yo ho ako bilang kababayan n’yong Mindoreño na gustong maglingkod sa inyo,” aniya.


Wala naming nabanggit ang aktor kung anong posisyon ang tinatarget niya. –A. Mae Rodriguez