Dimples: Angel, Neil are very, very happy

FAKE news ang chika na naghiwalay na ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, ayon sa kaibigan nilang si Dimples Romana.

Sa isang panayam, siniguro ni Dimples na magkasama sa iisang bahay sina Angel at Neil dahil “super happy pa rin [sila] sa kanilang married life. 

Idinagdag ni Dimples na aagang-alaga pa rin daw ng film producer ang asawang aktres.

“I get to see her naman and she’s very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her,” sey niya.

Paliwanag ng aktres, huwag gawing basehan ang social media sa estado ng relasyon ng mga artista.

“The thing is, people are so involved with social media that we think if we don’t see married people posting online together, parang hiwalay na sila!” wika ni Dimples.

“Hndi ibig sabihin wala sa social media, doesn’t mean it’s not happening,” dagdag niya.