Diether Ocampo naaksidente sa Makati

ISINUGOD sa ospital ang aktor na si Diether Ocampo matapos sumalpok ang kanyang sinasakyang SUV sa trak ng basura sa Osmeña Highway sa Makati City Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, nakaparada ang trak nang bigla na lamang itong salpukin ng sinasakyan ni Ocampo sa may southbound lane ng service road.

Madali namang naisugod sa ospital ang aktor ng mga rumespondeng miyembro ng Philippine Red Cross.