Dennis: Julia never igo-ghost ni Gerald

MALAKAS ang pananalig ni Dennis Padilla na hindi igo-ghost ang anak niyang si Julia Barretto ni Gerald Anderson.

Sa isang panayam, sinabi ni Dennis na base sa turingan nina Gerald at Julia, walang dahilan para i-ghost ng aktor ang aktres gaya nang ginawa umano nito kay Bea Alonzo

“Hindi mo pwede siyang i-generalize. Hindi porke’t nagawa mo noong una, magagawa mo nang pangalawa. Hindi naman. Ano ‘yan,  case to case basis,” sey ni Dennis.

Lantad na rin sa publiko, dagdag niya, kung paano alagaan ni Gerald si Julia kaya hindi siya naapektuhan sa dating imahe ng aktor.

“After all these years, napatunayan niya na mahal niya ang anak ko at saka nakikita ko naman na talagang mahal niya ang anak ko kaya okay sa akin,” paliwanag pa ng komedyante.

“Pagkatapos ng maraming kontrobersya na ‘yan, mahal niya pa rin ang anak ko,” hirit pa ni Dennis.

Samantala, umaasa naman siya na hindi muna pakakasal ang dalawa dahil bata pa si Julia.

“Pero for me, okay na yung magsyota muna, saka na yung wedding. Saka na ‘yung mga kasal-kasal. Uso naman ngayon sa mga babae na…hindi katulad nu’ng araw kapag 25 years old na ang babae parang obligado nang mag-asawa,” sabi pa niya.