Danica ‘unbothered’ sa cheating issue vs Marc

IPINASILIP ni Danica Sotto ang ilang ganap niya at ng pamilya sa Easter Sunday sa gitna ng kontrobersyang kinasasangkutan ng asawang si Marc Pingris.

Ipinagdiwang ng pamilya ang Araw ng Pagkabuhay sa Lingayen, Pangasinan, ang hometown ni Marc.

Sa photo carousel na ipinost niya sa Instagram, ipinakita ng aktres ang mga pinagkaabalahan nila maghapon: kumain ng streetfood, mag-volleyball, magbilyar at tumambay sa beach.

Ginawa ni Danica ang paramdam makaraang mag-trending si Marc dahil sa umano’y relasyon nito sa aktres na si Kim Rodriguez.

Kapwa-itinanggi nina Marc at Kim ang alegasyon.  

“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao,” sey ni Marc.

“Okay kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica,” dagdag ng basketball player.

Ikinasal sina Danica at Marc noong March 3, 2024. Mayroon silang tatlong anak.