Killer ng aso gumagala

INIIMBESTIGAHAN na ng mga otoridad ang serye ng umano’y panlalason sa mga aso sa Escalante City, Negros Occidental.

Nitong Huwebes Santo, tatlo sa mga alagang aso ng isang residente sa Brgy. Old Poblacion ang natagpuang patay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ay lumabas na pinakain ang mga aso ng tinapay na may palaman na itlog at lason.

Bago ito, apat na aso ang nadiskubre ring walang buhay sa Sta. Cruz st. Inaalam na ng mga pulis kung iisang tao o grupo ang nasa likod ng mga pagpatay.