Dahil sa ghost employees, Roderick Paulate hinatulan makulong ng 62 taon

HINATULAN na makulong ng hanggang 62 taon ang actor-politician na si Roderick Paulate makaraang mapatunayang nagkasala sa mga kasong graft at siyam na counts ng falsification of documents kaugnay sa ghost employees scam.

Ayon sa Sandiganbayan 7th Division, may kaugnayan ang mga kaso laban kay Paulate 
sa pagkuha niya ng “ghost employees” noong 2010.

Walong taon ang parusa sa graft habang hanggang anim na taong pagkakakulong sa kada count ng falsification of documents kaya kung kukuwentahin ay maaaring makulong ang komedyante ng hanggang 62 taon.