Coco Martin, Julia Montes spotted sa Bora

coco and julia

ANO naman kaya ang magiging palusot nina Julia Montes at Coco Martin ngayong naispatan silang magkasama sa Boracay?


Kumalat sa social media ang picture ng rumored sweethearts na nasa airport at paalis na ng isla.


“Wala na tapos na ang laban, pinagalaw na ang baso, di na makakatanggi, huling huli na sa akto. Pumayag pa sila mag pa picture at may pakaway kaway pa sa madla!” chika ng isang fan sa Facebook.


Naunang na-share ang picture ni Coco na may kasamang babae sa Boracay. Later, netizens confirmed na si Julia nga ang ka-join ng aktor dahil sa nagkalat nilang photos habang nasa beach.


Matagal nang napabalitang magkarelasyon sina Coco at Julia, pero wala pa ring nagaganap na pag-amin mula sa kanila.