MAHIGIT 200 NA LINDOL NAITALA SA TAAL

TAAL QUAKES

UMABOT ng 270 na lindol ang naitala sa bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Nananatiling nasa Alert Level 2 ang bulkang Taal at nauna nang nanawagan ang PHIVOLCS na iwasan ang pagpunta sa mismong volcano island upang makaiwas sa sakuna.

Kasabay nito ay naghahanda na ang mga lokal na pamahalaan sa posibleng paglikas kung sakaling lumala ang sitwasyon.

Matatandaang sumabog ang bulkang Taal noong ika-12 ng Enero ng nakaraang taon na nagdulot ng pinsala sa Batangas at mga karatig probinsya.