Chie, Zeus naghamon: Sige nga, sex video i-share nyo!

KAPWA itinanggi nina Chie Filomeno at Zeus Collins na sila ang nasa viral video na gumagawa ng milagro sa loob ng sasakyan.

Hinamon din ni Chie ang mga netizens na patunayan na siya ang nasa video.

“Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag ppost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?” aniya sa isang post.

“Ano…dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasayangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Dali send mo sa akin. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na,” dagdag niya sa isa pang post.

Ipinunto naman ni Zeus na lumang isyu na ang nasabing video.

Matatandaan na unang lumabas ang tsisnis ilang taon na ang nakararaan.

“FAKE NEWS!! Grabe tagal na nitong chismis na to, Baka naman si Zeus Maryosep yang napanood nyo. Ingat ingat lang kayo baka ma hack yang account nyo dahil dyan, at RESPETO nalang ng konti dami nadadamay,” sabi niya sa Instagram.

“Masaya ako ngayon at wag nyo ng guluhin pa,” pakiusap niya sa mga netizens.

“MAHAL KITA @mykapaulinee,” sabi naman niya sa kanyang girlfriend.