Cassy kay Darren: Bespren lang?

DIRETSAHANG sinabi n Cassy Villaroel na bestfriend niya ang singer na si Darrne Espanto.

Ito ay matapos siyang tanungin ng kanyang ina na si Carmina Villaroel hinggil sa kung ano nga ba ang real score nila ng singer.

“We’re vey close. So, I would say best friend. Best friend ko siya,” sagot ni Cassy sa ina.

Ni-reveal naman ni Carmina na sinabi na sa kanya ni Cassy na wala pa sa pag-iisip niya ang pagboboyfriend.

“Ang sabi sa akin ni Cassy, e, wala daw pa sa isip niya ang boyfriend-boyfriend. Sabi niya gusto niya mag-concerntrate dito sa trabaho niya. Plus, nag-school kasi,” sey ni Carmina.

Nauna namang sinabi ni Carmina na boto siya kay Darren para sa anak dahil marespeto at mabait ito.