BTS, Ed Sheeran collab anew

SANIB-PWERSA na naman ang phenomenal Korean pop group na BTS at English singer-writer na si Ed Sheeran para sa panibagong song.

Sa isang panayam sa radio show na Most Requested Live sa America, ichinika ni Ed na may tambalan na naman silang ginagawa ng grupo.

“I actually worked with BTS on their last record, and I’ve just written a song for their new record. And they’re like super, super cool guys as well,” sey ni Ed.

Bago rito ay una nang isinulat ng English songwriter ang “Make It Right” para sa BTS album na Map of the Soul: Persona noong 2019.

Hindi pa inilalabas ang detalye ng collaboration ni Ed with BTS, na siyang lalong nagpapanabik sa BTS Armys.