Birthday wish ni Erik: gumaling inang may sakit

ISA lamang ang hiling ng singer na si Erik Santos sa kanyang kaarawan ngayong araw, Oktubre 10, at iyon ay ang gumaling ang ina na may karamdaman.

Sa “ASAP” nitong Linggo ay nakiusap siya sa publiko na ipagdasal ang kanyang mommy.

“I would like to ask for prayers for my mom for her complete healing. ‘Yung kantang ‘Wind Beneath My Wings’ ‘yun po ‘yung kanta ko sa kanya,” ani Erik.

Ayon sa singer, wala siyang gustong makita kundi ang maging masaya at malakas ang kanyang ina.

“It’s been so challenging for the family for the past months and gusto kong maging masaya siya, so, kapag napanood niya ’to alam kong magiging masaya siya dahil ‘yung kantang ‘to and on my very special day I would like to honor her and to say that I love you so much, Mommy,” dagdag ng Kapamilya singer.

Mensahe niya sa ina: “Nandito lang kami para sa ’yo. You are our hero together with Tatay and I want you to know that you have been and will always and forever be the wind beneath our wings. We love you and kaya natin ‘to. Kapit tayo.”

Si Erik ang nagbabantay sa mga magulang dahil may sari-sarili nang mga pamilya ang mga kapatid niya.