Barbie Imperial ibinida closeness kay Sandro Marcos

IBINANDERA ng aktres na si Barbie Imperial ang kanyang closeness kay presidential son Sandro Marcos nang i-prank niya ito para sa kanyang vlog.

Mapapanood sa nasabing video kung paano humingi ng tulong si Barbie kay Sandro makaraan niyang magkunwari na isa siyang ampon.

“Ito ‘yung pinakakinakabahan ako na i-prank kasi, siyempre, friend ko ito and… respect, respect, okay… Sandro Marcos, one of my close friends,” sey ni Barbie.

Matapos magkumustahan, sinabi ni Barbie kay Sandro na naglayas siya dahil nalaman niya na isa siyang ampon kaya kung maaari ay makituloy muna ito sa kanilang bahay.

Pumayag naman ang incoming Ilocos Norte representative at sinabi na pwedeng gamitin ng aktres ang kanilang guest room.

Dahil napaniwala niya si Sandro sa kanyang arte, ni-reveal ni Barbie na pina-prank lang niya ito.

“You’re so annoying!” hirit ni Sandro.

“Guys, ang bait ni Sandro Marcos, sobrang bait ng kaibigan ko na ito,” sabi naman ng aktres.

Maliban kay Sandro, na-prank din ni Barbie sina Chie Filomeno, Tony Labrusca, Ricci Rivero, at Carlo Aquino.