Barbie di raw nang-away ng starlet dahil sa lalaki

TODO-TANGGI ang aktres na si Barbie Imperial na lalaki ang pinag-awayan nila ni Debbie Garcia sa Quezon City bar ilang linggo na ang nakakalipas.

Sa isang panayam ay nagsalita na si Barbie sa away nila ng Vivamax actress na si Debbie na nauwi sa demandahan.

Sey ni Barbie, naka-move-on na siya sa pangyayari pero handa siyang harapin ang kasong isinampa ni Debbie.

Sa kasalukuyan ay wala pang update sa kaso, dagdag niya.

Kaugnay nito, iginiit ng aktres na hindi lalaki ang ugat ng ginawa niyang pagkumpronta kay Debbie na nauwi sa pisikalan.

“We were friends before and something happened lang na malalim. Ako naman po hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman,” paliwanag niya.

“Chances were given before pero pag inulit-ulit kasi parang bastos na ‘di ba?” dagdag ni Barbie. “So, nandun po ako sa point na ayoko na, na mag-reconnect ever. Parang leave it that way, walang bastusan pero done…done.”