Bahay ni Kuya nilayasan na ni Toni Gonzaga

INANUNSYO ng singer/actress na si Toni Gonzaga na nagbibitiw na siya bilang host ng reality show na “Pinoy Big Brother”.

Sa isang post sa Instagram, nagpaalam na si Toni sa ABS-CBN, at sinabi na “I am stepping down as your main host.”

Naniniwala rin anya siya na maipagpapatuloy ng iba pang mga host, partikular na si Bianca Gonzalez, ang legacy ng 16-anyos na programa.

“It has been my greatest honor to host PBB for 16 years,” ayon pa kay Toni na nitong Martes ay siyang nag-host sa grand rally ng presidential candidate na si dating Senador Bongbong Marcos Jr.

Narito ang ilan pa sa naging pahayag ni Toni:

“From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya.

“I will forever cherish the memories, big nights, and moments in my heart. Thank you kuya for everything.

“This is your angel, now singing off…”