Archie Alemania: Ako tawanan n’yo, wag si Gab

IGINIIT ni Archie Alemania na wala silang samaan ng loob ni Gab Valenciano kaugnay sa panggagaya niya sa Leni-Kiko chant ng anak ni Gary Valenciano.

Sa presscon ng Bubble Gang, kung saan nananatili siya sa cast, sinabi ni Archie na matagal na niyang kaibigan si Gab at hindi niya intensyon na gawin itong katatawanan.

“Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob. Dati pa magkaibigan naman kami n’yan. Wala naman akong masamang tinapay kahit kanino man,” sey ni Archie.

“Wala naman akong masamang tinapay kina Gab, kina Tita Angeli (ina ni Gab). I still consider Gab as my friend. Sa mga pagpapatawa ko, hindi para pagtawanan ang ibang tao. It’s for people to laugh at me, not the other way around,” aniya.

Matatandaan na sa isang rally ng UniTeam ay ginaya ni Archie ang chant ni Gab.

Ni-retweet naman ng Gab ang video ni Archie at nilagyan ng caption na, “Game over, Archie.”

Sinagot ito ng comedian ng “Nagpa-practice na kami abangan n’yo.”