Angel Locsin, Neil Arce hiwalay na: Fake news!

NILILINAW ng film producer na si Neil Arce ang usaping hiwalay na sila ng asawang si Angel Locsin.

Tinawag ito ni Neil na “fake news.”

“Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake news peddlers ‘yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake news,” aniya sa isang pahayag.

“Besides, deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan.”

Ito ang naging pahayag ni Neil sa mga kumakalat na mga video sa YouTube mula sa mga hindi pinagkakatiwalaang source na nagsasabing hiwalay na sila ni Locsin.

Ilan sa mga video ang nagsabing ang paghihiwalay ang dahilan ng matagal na pagkawala ni Angel online.

Mahigit tatlong buwan nang naka-hiatus sa social media ang Kapamilya star.