Ang Probinsyano’ production assistant inatake sa puso, todas

NAMATAY sa atake sa puso ang production assistant ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa lock-in taping sa Ilocos Sur nitong Sabado.


Dead on arrival si Leonardo “Lyan” Suiza sa Gabriel Silang Hospital sa Vigan City.
Ayon sa ulat, hinimatay si Suiza sa kanyang silid alas-10:40 ng umaga kaya agad itong itinakbo sa ospital.


Negatibo siya sa Covid-19.


Kasalukuyang naka-break ang ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano makaraang magpositibo ang isa sa mga crew.


Maliban sa pagiging production assistant sa nasabing programa, naging bahagi rin si Suiza, isang direktor, ng “Martin After Dark” at “Kapag May Katwiran… Ipaglaban Mo.” –A. Mae Rodriguez