Kiko Estrada, Heaven Paralejo break na –Ogie Diaz

NANINIWALA ni Ogie Diaz na hiwalay na ang controversial couple na sina Heaven Paralejo at Kiko Estrada.


Ayon kay Diaz, dating manager ni Heaven, walang duda na break na ang dalawa makaraang i-unfollow ni Kiko si Heaven at burahin pa ang mga pictures nito sa Instagram.


“Kapag ganyan na nag-unfollow na si lalake du’n sa babae, wala na ‘yun… Mako-confirm natin kung talagang wala na sila kung si Heaven ay mag-a-unfollow na rin kay Kiko at magde-delete na rin siya ng photos nila,” dagdag ni Ogie.


“So ‘yun na ‘yon, one way of saying, ‘wala na kami.’ Hindi natin alam kung ano ang rason pero ako may nakausap ako, wala na sila, nag-split na sila,” dagdag pa ng vlogger/showbiz writer.


Wala pang pahayag ang dalawa ukol sa nasabing isyu. –A. Mae Rodriguez