Andrea Brillantes: Dyesebel ng Gen Z

MOVE over, Ann Curtis, narito na ang bagong Dyesebel.

Isinapubliko ni Ogie Diaz na si Andrea Brillantes ang gaganap bilang “Dyesebel” sa pinaplanong teleserye ng Kapamilya network.

“Andrea, good luck sa pagiging Dyesebel mo ‘no? Kasi ‘yong iba nagtatanong kung marunong bang mag-swim si Andrea. Yes, marunong mag-swim,” ani Ogie sa kanyang sa kanyang Showbiz Update YouTube channel.

Dagdag ni Ogie na kasalukuyan nang sinasanay si Andrea ng kanyang ina na isang certified diver.

“Actually, ‘yung nanay niya diver. Napakahusay sa diving ng nanay niya. Talagang nagpa-practice na si Andrea. Mahusay na siyang sumisid,” aniya.

Hiling ng talent manager na sana ay ang boyfriend ni Andrea ang maging leading man nito dahil sa lalaking-lalaki na dating nito.

Si Anne Curtis ang huling gumanap sa papel na “Dyesebel” sa TV. Ilan pa sa gumanap na sirena na nag-anyong tao ay sina Vilma Santos, Alice Dixson, at Charlene Gonzales.