Anak pasok sa ‘Batang Quiapo,’ Vhong nagpasalamat kay Coco

ON cloud nine ang TV host na si Vhong Navarro dahil tuloy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng anak na si Yce.

Sa Facebook page, ibinida ni Vhong na kabilang na sa cast ng Kapamilya action-serye na “FPJ’s Batang Quiapo” si Yce.

“Yahoo! Thank you, Lord🙏🏻 Nakaka proud na mapabilang ang anak ko at makasama sa cast ng Batang Quiapo. Goodluck Yce Navarro! ❤️Aabangan ko to!” pahayag ni Vhong.

Nagpasalamat din siya kay Coco Martin, ang direktor at bida ng teleserye.

“Maraming Salamat, Direk CM🙏🏻

Si Yce ay anak ni Vhong at ng dating aktres na si Bianca Lapus. Nagtapos siya ng BS in Information Technology sa UST.