Alice Dixson, mommy at 51

MASAYANG inanunsyo ni Alice Dixson na natupad na rin ang kanyang pangarap: Ang maging isang ina.

Fifty one years old na si Alice, ang dating nakilala sa tawag na “crush ng bayan”.

Sa Facebook post ng model-actress, pinakita niya ang larawan ng dalawang footprints ng isang sanggol.

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle,” caption ni Alice sa kanyang social media post.

“Our newest little family member has arrived.”

Ayon sa kanya 10 taon na niyang hinihiling na magkaroon ng anak.

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” dagdag niya.

Naunang sinabi ni Alice na hirap siyang magbuntis kaya naman masayang masaya siyang winelcome ang kanyang baby.