Alexa Ilacad bumuwelta sa ‘retoke’ comment

AGAD rumesbak si Alexa Ilacad sa mga bashers na nagsasabi na nagparetoke siya.

Chika niya sa kanyang Instagram story, marami ang nag-dm sa kanya at sinasabing nagpa-nose job siya dahil sa scratch sa kanyang ilong.

Dagdag niya masyadong “rude” ang mga comments ng mga bashers.

Banat niya, kalmot ito ng kanyang pusa.

At wala rin naman anyang masama sa pagpaparetoke as long as gusto ito ng isang indibidwal.

“Some of you are soooo funny!! sending me rude dms coz you think i had a nose job coz of this “scar” on my nose (as seen in my previous story). you guys have to chill out! ist of all, my cat just scratched my nose hahahaha,” chika niya.

“(a)nd 2nd, there is nothing wrong with getting plastic surgery if a person wanted to periodttt,” chika rin ni Alexa.

Si Alexa ay talent ng ABS-CBN.