Tom Rodriguez gigil much sa preempted video

HINDI nagustuhan ng aktor na si Tom Rodriguez ang pagkalat sa social media ng video habang ginagawa niya ang engagement ring para sa fiance na si Carla Abellana.

Sa Instagram story, sinabi ni Tom na hindi na niya i-uupload ang video tutal nga naman ay May nagpakalat na nito sa social media.

Chika ni Tom itatago na lang niya ang video bilang “memories.”

“I was supposed to release my ring making video on YouTube today…

“But since someone already beat me to it and it’s already all over YouTube and Instagram, I’ve decided to just keep the video for myself instead, and just savor and treasure the memories,” post niya.

Naunang ikinwento ni Tom na siya ang naghulma ng diamond ring ni Carla sa tulong ng Radiant Lux Jewelry.

Inanunsyo nina Carla at Tom ang kanilang engagement noong March 21, 2021 sa kanilang social media accounts.

Pero chika nila noong October 2020 pa ang engagement at pansamantalang tinago muna sa publiko.