Alessandra gusto ng bagong trabaho, ayaw muna sa showbiz

ALLLESANDRA DE ROSSI is looking for another job. At ayaw na muna raw niya tumanggap ng mga projects ngayon sa showbiz.

And why?

Dinaan man niya sa biro ay tila legit naman ang reasons niya kung bakit ayaw niyang gumawa muna ng mga pelikula ngayon, at ito nga ay dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.

Ayon sa aktres binalak niyang bumalik ngayon sa showbiz pero dahil mas malala ang sitwasyon ngayon, hahanap na lang daw siya ng bagong work.

Sa tweet niya, sinabi ng aktres na hindi siya tumanggap last year ng trabaho kahit noon pang 1,000 pa lang ang kaso.

“Last year, di ako tumanggap ng work noong 1k cases pa lang. Sabi ko next year na ako babawi, for sure things will get better. Ayun. Mas malala ngayon,” chika niya.

Dagdag niya, kailangan niya na ng bagong trabaho at gusto niya na lang maging manghuhula.

“I think I need a new job. Gusto kong maging manghuhula, para alam ko sinasabi ko! Chot!”

Nagkaroon ng mga offers si Alessandra nitong late 2020 pero hindi niya pa ito tinanggpap dahil sa takot niya sa COVID-19.