NCR Plus bubble dapat isara pa nang 2 linggo –OCTA

KUNG hindi na mapapalawig pa ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus, makabubuting isailalim muna ito sa dalawang-linggong modified enhanced community quarantine (MECQ), ayon OCTA Research.


Sinabi ni Ranjit Rye ng OCTA na hindi pa panahon para buksan ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal dahil patuloy pa ang pagdami ng Covid-19 cases.


“Moreover, a continuing concern is that hospital capacity in the region and the bubble remain at critical capacity. We need time to slow this surge down. We cannot open prematurely as this could accelerate the surge,” dagdag ni Rye.


Matatandaang inanunsyo ng Malacañang na hindi na ie-extend pa ang ECQ matapos itong ipatupad nang dalawang linggo.