Aktor na si Ricardo Cepeda arestado sa estafa

DINAKIP ng pulisya ang aktor na si Ricardo Cepeda dahil sa kasong syndicated estafa.

Inaresto si Cepeda nitong Sabado sa isang resto-bar sa Quezon City base sa arrest warrant na inisyu ng regional trial court laban sa kanya at iba pang sangkot sa kaso.

Walang iba pang detalye ang ibinigay ng pulisya hinggil sa kaso ng 58-anyos na aktor.

Ang syndicated estafa ay isang kaso na walang piyansa na inirerekomenda, at may kaukulang kaparusahan nag life imprisonment.

Kasalukuyang nakakulong ngayon si Cepeda sa QCPD detention cell.