Aiko tinarayan nga ba si Jerome Ponce?

ANG aktor na si Jerome Ponce nga ba ang tinutukoy ni Aiko Melendez sa kanyang rant sa Facebook?

Noong Miyerkules ay ipinost ni Aiko ang kanyang ngitngit sa isang “JP.”

“DIOS MIO JP wag ka masyadong mayabang…wala ka pang napapatunayan sa industriya para maging mayabang. Lord turuan nyo naman tong bagets na ito na matutong makisama. Di porket bida ka attitude ka. Very wrong! Seminar ka muna para maging mabait ka,” ani Aiko.

Agad namang binura ng actress-politician ang post.

Ayon sa mga netizens, si Jerome Ponce ang tinutukoy na “JP” ni Aiko.

Anila, bida si Jerome sa Viva One series na “Safe Skies, Archer” kung saan kasama ang anak ni Aiko na si Andre Yllana.