Age limit sasala sa Miss Supranational ginawang 32

IPINAKO sa 32 ang age limit ng mga sasalik sa Miss Supranational.

Noon ay edad 18 hanggang 28 lamang ang tinatanggap sa pageant.

Sa isang pahayag, sinabi ng Miss Supranational Organization na ginawa nito ang desisyon matapos magsagawa ng survey sa mga national license holders.

“Each national organization will continue to have the final say in determining the most appropriate requirements for the country they are working in,” dagdag pa nito.

Magiging epektibo ito sa 2023, ayon sa organisasyon. Kailangang nasa age range sila sa araw ng susunod na Miss Supranational finals.

Gayundin, ginawa ring 34 ang age limit para sa mga sasali sa Mister Supranational.

Nanalo ang Pilipinas sa nasabing pageant noong 2013 at inuwi ni Mutya Datul ang korona.