After 28 years, Julius Babao ba-bye na sa ABS-CBN

UMALIS na ang veteran broadcaster na si Julius Babao sa ABS-CBN matapos ang 28 taon na niyang pamamalagi sa Kapamilya network.

“Hindi po ito pagpapaalam kundi isang pahayag ng pasasalamat sa lahat ng aking mga naging Kapamilya sa loob ng 28 taon,” ayon kay Julius sa huling newscast niya Biyernes ng gabi.

Laking pasasalamat din niya na dito niya nabuo ang kanyang career at nakilala ang asawa.

“Sasabihin ko na lang na dito sa ABS-CBN, natupad ang mga pangarap ko sa buhay,” ani Julius.

Sa Linggo ang huling broadcast ni Julius sa “TeleRadyo Balita.”

“We respect his decision to pursue his professional career outside of ABS-CBN and wish him well in his future pursuits,” ayon naman sa pahayag ng ABS-CBN.