SB19 may gift sa A’TIN: ‘SLMT’ music video now streaming

BILANG pasasalamat sa kanilang mga tagahanga at supporters, partikular na ang A’TIN, inilabas ng Pinoy pop group na SB19 ang bago nilang music video na “SLMT”.

Inilabas ng grupo ang official music video nitong Disyembre 30, 2021 at ngayon ay humahakot na ng views.

As of posting time, nasa 213,000 na ang views ng nasabing video sa YouTube.

Inirelease ang music video na kinunan sa Palawan, matapos maunang ilabas ang “No Stopping You” na siya namang official soundtrack ng Metro Manila Film Festival entry na “Love at First Stream”.

Ang “SLMT” ay kasama sa “Pagsibol” album na inilabas ng grupo noong Hulyo.