Abo ni Cherie pinaghatian ng kapamilya

ISINIWALAT ng aktor na si Michael de Mesa na pinaghati-hatian ng kanilang pamilya ang
cremated remains ng kanyang yumaong kapatid na si Cherie Gil.

Sa isang statement na inilabas niya sa Instagram, klinaro ni Michael na hindi inilibing ang abo ni Cherie sa Bukidnon.

Aniya, nagsaboy lang sila ng abo sa paboritong lugar ng aktres sa probinsya pero
ang mga labi ay pinaghati-hati ng mga kapatid, mga magulang, at mga anak ng aktres.

Ayon kay Michael: “Cherie was cremated in New York. Most of her remains are with our other sister, Elaine, in California. Part of her is with my parents who are also in California and some are here with my wife and I. Bukidnon was her favorite place, but she is not buried there. Some of her ashes were just scattered there.”

“Felt we needed to clarify because of misinformation!…I forgot to mention that Cherie is also with her children,” dagdag niya.

Matatandaan na nitong Biyernes ay nagtipon ang pamilya sa Tagaytay para ipagdiwang ang buhay ni Cherie.