Umiwas sa aso, rider tepok, GF malubha

PATAY ang rider habang sugatan ang kanyang girlfriend nang sumemplang ang kanilang motorsiklo dahil sa pag-iwas sa tumatawid na aso sa Barili, Cebu kahapon.


Dead on arrival sa Barili District Hospital si Gerard Baclayon, 23, ng Mandaue City, dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan.


Nagkagalos naman sa mukha ang kasintahan niyang si Eva Mae Alindajao, 24, na ginamot sa nasabing ospital.


Ayon sa ulat, inihahatid mula Mandaue City ni Baclayon si Alidajao sa Brgy. Japitan, Barili sakay ng motorsiklo nang tumawid ang aso sa national highway.


Iniwasan ni Baclayon ang aso pero nawalan siya ng kontrol kaya sumemplang ang sasakyan.
Itinanggi ni Alindajao na mabilis ang takbo ng motorsiklo. Ligtas naman ang aso, ayon sa pulisya.