Ilang lugar sa Bora naka-lockdown

UMIIRAL ngayon ang dalawang-linggong surgical lockdown sa dalawang sitio sa Malay, Aklan, kung saang matatagpuan ang isla ng Boracay, matapos magpositibo sa Covid-19 ang ilang residente.


Kahapon ay sinimulan ang enhanced community quarantine sa Zone 5 at 6 ng Brgy. Balabag at matatapos ito sa Abril 6.


Sa ilalim ng surgical lockdown, tanging mga authorized person outside of residence lamang ang pwedeng lumabas ng kanilang mga bahay.


Inabisuhan na ang mga turista sa dalawang sitio na manatili muna sa kanilang tinutuluyan hangga’t wala pa silang quarantine pass.


Inaasahan namang mabibigyan ng ayuda ang mga residente na maaapektuhan ng lockdown.
Base sa tala ng pamahalaang lokal ng Malay, nasa 17 ang active Covid-19 cases sa Brgy. Balabag.