Lalaking Aeta kinatay ng anak

SINAKSAK hanggang sa mapatay ng isang 25-anyos na miyembro ng tribong Aeta ang kanyang ama sa Hermosa, Bataan kamakalawa, ayon sa pulisya.


Dead on the spot dahil sa mga tinamong saksak sa katawan si Danilo Abraham, 59, ng Sitio Pastolan, Brgy. Tipo.


Agad namang nadakip ang anak niyang si Erwin, na ayon sa mga kapamilya ay may problema sa pag-iisip at sumasailalim sa gamutan sa Olongapo City.


Sinabi ng mga imbestigador na bigla na lamang nilapitan ng suspek ang natutulog na ama at inundayan ng saksak alas-3:20 ng umaga Sabado.