School principal tinodas

NASAWI ang principal ng Pio Duran National High School sa Polangui, Albay makaraang barilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanyang bahay nitong Miyerkules, ayon sa pulisya.

Dead on the spot si Beverly Cabaltera, 53, na nagtamo ng tama ng bala sa leeg.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagising ang mga kasama sa bahagly ni Cabaltera nang makarinig ng putok alas-3 ng umaga.

Nang tunguhin ang pinangalingan ng putok ay tumambad sa kanila ang katawan ng biktima.

Nasapul ng cctv camera ang mga suspek habang inaakyat ang bahay ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.