Sarangani niyanig ng 5.1 magnitude na lindol

NIYANIG ng 5.1 na lindol ang Sarangani Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 24 kilometro, 49 kilometro kanluran ng Kiamba, Sarangani alas 10:25 ng gabi.

Naitala ang intensity 4 sa Kiamba at Maitum, Sarangani.

Naramdaman naman ang intensity 3 sa General Santos City; Zamboanga City; Cotabato City; Maasim, Sarangani; Norala, Tupi at Lake Sebu, South Cotobato.

Inaasahan din ang mga aftershock bagamat wala namang naitala pang pinsala.