Region 11 hihirit ng P22 wage hike

NAGSAMPA ng petisyon ngayong araw ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para gawing P418 ang minimum wage sa Region 11 o P22 na mas mataas sa kasalukuyang arawang sweldo sa rehiyon.

Kasalukuyang nakapako sa P396 ang arawang sweldo ng mga manggagawa sa rehiyon na sakop ang Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao de Oro na kinabibilangan naman na Davao City, Tagum City, Island Garden City of Samal, Panabo, Mati at Digos.

Isinampa ang petisyon sa Region 11 wage board na nakabase sa Davao City.