Balak mo bang magpunta sa Baguio? Baka gusto mong magdalawang-isip?
Ito ay matapos na kumpirmahin ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na malaganap ang pagkalat ng UK variant ng coronavirus disease sa syudad.
Umakyat sa 17 ang kabuuang bilang nang tinamaan ng nasabing variant, base sa pinakhuling datos ng local health department ng lungsod.
Ayon kay Magalong, ang clustering ng mga kaso sa mga bahay-bahay at sa work places ang nakikitang pinagmulan ng paglaganap ng impeksyon.
“We cannot capture the actual cases because of the time needed for the PGC to process the specimens that we are submitting but it appears that we are now dealing with the new variants at the rate our infection is increasing,” ayon sa alkalde sa panayam sa media nitong Sabado.
Bunsod nito, nanawagan sa PUBLIKO ang alkalde na panatilihin ang pag-obserba sa minimum public health standards bilang proteksyon habang ginagawan ng paraan ng lokal na pamahalaan na makontrol ang pagdami ng kaso ng impeksyon.