Pekeng LET examinee arestado

DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang babaeng nagtangkang kumuha ng Licensure Examination for Professional Teachers para sa kanyang nakababatang kapatid sa Pagadian City kamakailan.

Ayon sa ulat, hinuli si Monaida Dimakaling noong Oktubre 2 sa Pagadian National High School Danlugan makaraang magsuspetsa ang proctor.

Sabi ng proctor, magkaiba ang itsura ni Monaida at ng babaeng nasa larawan sa Permanent Examination and Registration Record Card (PERRC) at Notice of Admission (NOA) na nakapangalan sa isang Nazia Dimakaling.

Inamin naman kinalaunan ni Monaida na ang kapatid na si Nazia ang dapat kukuha ng pagsusulit pero pinakiusapan siya nito na humalili.

Nakatakdang sampahan ng reklamong
falsification of official document ang magkapatid.