PAF chopper nag-crash; 1 patay, 3 sugatan

NASAWI ang piloto ng Philippine Air Force habang sugatan ang tatlo niyang kasamahan nang bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter sa Getafe, Bohol ngayong umaga.


Nag-crash ang MD-520MG, na mula sa PAF 15th Strike Wing, alas-9:30 ng umaga ilang minuto bago umalis ng Mactan, Cebu, ayon kay PAF spokesman Lt. Col. Maynard Mariano.


“We can confirm that we have a downed aircraft, that was on a maintenance flight, in the vicinity of Bohol,” ani Mariano.


Sinabi sa ulat na agad na nasawi ang piloto nang bumagsak sa dagat ang chopper habang nakatalon naman ang co-pilot at dalawang crew member bago ang crash.


Agad na nasagip ng mga mangingisda ang tatlo at dinala sa Talibon Provincial Hospital.


Natagpuan ang bangkay ng piloto sa ilalim ng dagat.


Inaalam pa ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter, ani Mariano.