Truck tumagilid: 13 obrero sugatan

NASUGATAN ang 13 obrero, dalawa ay malubha, nang tumagilid ang kanilang elf truck sa Pavia, Iloilo.


Ginagamot sa ospital ang dalawa sa mga biktima habang ang iba ay pinalabas na matapos bigyan ng pangunahing lunas.


Ayon sa ulat, binabagtas ng truck ang kalsada sa Brgy. Ungka 2 nang mag-overtake ang motorsiklo sa pakurbang daan.


Nawalan ng kontrol ang driver ng truck kaya nagpagewang-gewang ang sasakyan bago bumagsak sa tagiliran.


Tumilapon ang ibang sakay ng truck habang naiipit naman ang iba.


Pinaghahanap na ng pulisya ang driver ng motorsiklo.