Pader gumuho sa Tagaytay, 6 patay

ANIM na construction worker ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang nasugatan matapos gumuho ang pader sa Hortaleza farm sa Tagaytay City alas-6 Martes ng gabi.

Sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na nagtatalo pa ang dalawang kompanya na nakakasakop sa gumuhong pader kung sino ang mananagot sa gastos.

Idinagdag ni Tulfo na nakikipag-ugnayan na ang DSWD Region 4 sa pamilya ng mga biktima para sa P25,000 burial assistance at P10,000 karagdagang tulong para sa mga naulila ng mga biktima.

“Mag-ingat po tayo ngayong tag-ulan dahil malambot po ang lupa na nagiging sanhi ng mga pagguho,” dagdag ni Tulfo.